Responde (2007)


Category:Books
Genre: Travel
Author:Norman Wilwayco

"Nakakahon kang iniuwi ngunit ang kaluluwa mo'y malaya. Naglalakbay sa papawirin, sa mga bundok at gubat at batis at sa iba pang lupalop na ni sa hinagap ay hindi narating ng nakakahon kong isipan..."



Nag-enjoy ako dito pramis.
Bukod sa marami akong natutunan mula sa librong sinulat ng pinakabastos na manunulat sa bansa, pinamukha rin sakin ng ***dot na librong ito na kung saan may pag-asa, nandun din ang kabiguan. Sinusundan-sundan ka nyang parang langaw na naga-amok ng paluan. Para bang nang-aasar. Hindi nga naman kasi tayo dapat tumigil mabuhay. Eh di kung masaya tayo palagi, ang boring nun diba? Kung palagi kang bigo, wag kang mag-alala dahil there's more to come. the more the merrier diba? Dito, makikita mo na mula sa hayop, sa mga kahayupan hanggang sa mga kahon, may mga kwentong humuhubog sa kailaliman ng buhay ng tao.

Yun nga lang, mag-expect ka ng maraming typo error. At baka malito ka kagaya ko, dahil mahilig si Norman sa pangalang, "Tony" - akala ko tuloy iisang tao lang tinutukoy nya kaya lang parang masyadong malayo - ano yun multiple personality? ibang tao pala si Tony kay Tony kay Tony at kay Tony. at pare-pareho silang may nickname na "Ton"

heheheheh

Ewan ko ba, ni hindi ko nga alam i-classify ang librong ito. Pero nilagay ko nalang na genre ay "Travel" dahil pag binasa mo 'to, para ka naring naglakbay sa kung saan-saang nakababaliw na sulok ng Pinas, kasama ang mga baliw na karakter ni Wilwayco siyempre.

Kung naiintriga ka sa sinasabi ko at kung gusto mong malaman ung bakit "wasak" daw ito sabi ng Radioactive Sago - o kaya nama'y gusto mo lang lumawak ang bokabularyo mo ng mga mura, basahin mo 'to. Magaganda ang mga kwento - maliban nalang siyempre kung fairytale ang hanap mo.



Eto pa yung ibang genre kung saan gusto ko itong i-classify:

Parenting
"Hoy Lando! Putang ina ka, bumalik ka rine! Landooo!"

Hindi halos marinig ang tili ng ina sa ingay ng malakas na agos.

Thriller
"Kinuha ni Tony ang pliers sa toolbox ng traysikel at iyon ang ginamit niya sa pagpiga sa ari ni Steve. Naghuhumiyaw sa sakit si Steve at sa mabilis na pag-iling-iling ng kanyang ulo ay nagtatalsikhan ang mga pawis sa kanyang noo.."

Business & Money

--Papa-chupa ako, tatlong daan, sabi ko sa bading
--Ang mahal naman, bakit, ginto ba iyang talong mo? tanong ng bading
--Hindi pero mahaba at mataba. Ano, gusto mo?
--Dos siyentos, tawad niya.
--Dos siyentos singkwenta, sambit ko
--Sige

Children's Books

"Pagliko ko sa may eskinita, sinalubong ako ng dalwang bata. Chongki, chongki, paaskad na bulong ng isa. Bato-bato-panalo, bulong naman ng isa. Hinawakan ko sila sa ulo, magkabilang kamay ko, at madiing pinag-umpog ang mga ulo nilang bobo.

'Mga putang ina n'yo lubayan n'yo ko.'

'Tangina mo rin,' sigaw ng isa habang umiikang tumatakbo palayo."

Professional & Technical

"Ang sarap ng buhay ng tarantado. Kahit di siya tulak, kahit runner lang, kumikita siya. May pangtustos na ng bisyo, may pambili pa ng pagkain..."

Religion and Spirituality

"Ni sa hinagap, di inabot ng isip ko na darating ang araw, magde-design ako ng album ng Asin. Parang ang hirap arukin sa isip. Parang si Virgin Mary na naka-T-back. Malabong mangyari."

Romance

"Putang ina, Brian. Mahal din kita. Kaya kong higitan ang pagmamahal sa'yo ng reaksyunaryo mong karelasyon."

Politics

"Meyor! Meyor, ang pangako mo sa akin!"
"Pagod na si meyor, huwag mo nang istorbohin," singhal ni Vergel
"May pangako sa amin si meyor. Sabi niya'y susunduin ng helikopter and kapatid kong maysakit."
"Engot ka pala eh. Makita mo nang umalis na iyong helikopter. Pabalik na iyon ng Maynila."

Pets

Nagtaka ako kung bakit may pagkain sa kainan ni Doro. Nagduda na ako. Sinipat ko yung pagkain, inamoy-amoy ko. Puta, amoy betsin. Nangingintab na nga ang ibabaw eh. Buti nalang hindi kinain ni Doro. Matalino si loko. At para asarin yung kapitbahay namin, naglagay ako ng sign sa may gate ng bakuran:

"MAG-INGAT SA ASO. HUWAG TANGKAING LASUNIN DAHIL MABIBIGO LANG KAYO"

Animals

"...habang umiindayog ako sa ibabaw ni Imat, napansin ko ang kanyang mga mata, nakatitig sa kawalan. Basa ng luha ang mga pisngi nya. At sa mga sandaling malapit nang sumabog ang kabaliwan ko, nakadikit ang mukha ko sa leeg ni Imat at sinisiil siya ng halik, narinig kong muli ang litanya."

"Maawa na kayo sa akin... Huwag po... Parang awa n'yo na..."

Health & Body

"Tangina bihira nang tambay ang nakakabili ngayon ng disenteng pagkain. Panay pambansang pagkain na instant pancit canton ang laging laman ng mga bituka ng mga tambay na naglisaw sa buong looban. Kaya anlalakas magsi-utot ng mga putangina at ambabaho pa."

Health & Mind

"Hindi man aminin ni Jack, alam kong ang pagbubuntis niyang iyon ang ugat ng kanyang depression. Madalas na kasi siyang magpaka-high mula noon. Halos ayaw nang lumabas ng bahay. Inom na lang ng inom at panay ang bira ng jutes. Sa sobrang high ni Jack, lagi na lang siyang tulog..."

Comments

Popular posts from this blog

Movie views: "Moments of Love"

How to Enroll Your BDO Account for Internet Banking

MSG Kills Dogs -- But Not My Aunt's!